Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 31:19-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Kay sagana ng mabubuting bagay,na laan sa mga sa iyo'y gumagalang.Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob,matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

20. Iniingatan mo sila at kinakalinga,laban sa balak ng taong masasama;inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan,upang hindi laitin ng mga kaaway.

21. Purihin si Yahweh!Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin,nang ako'y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin!

22. Ako ay natakot, labis na nangamba,sa pag-aakalang ako'y itinakwil na.Ngunit dininig mo ang aking dalangin,nang ang iyong tulong ay aking hingin.

23. Mahalin ninyo si Yahweh, kayong kanyang bayan.Mga tapat sa kanya, ay kanyang iniingatan,ngunit ang palalo'y pinaparusahan ng angkop sa kanilang kasalanan.

24. Magpakatatag kayo at lakasan ang loob,kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.