Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 31:15-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ikaw ang may hawak nitong aking buhay,iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.

16. Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,sa wagas mong pag-ibig ako ay sagipin.

17. Sa iyo, Yahweh, ako'y nananawagan,huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan.Ang masasamang tao ang dapat na mapahiya,sa daigdig ng mga patay, tahimik silang bababâ.

18. Patahimikin mo ang mga sinungaling,ang mga palalong ang laging layunin,ang mga matuwid ay kanilang hamakin.

19. Kay sagana ng mabubuting bagay,na laan sa mga sa iyo'y gumagalang.Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob,matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

20. Iniingatan mo sila at kinakalinga,laban sa balak ng taong masasama;inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan,upang hindi laitin ng mga kaaway.

21. Purihin si Yahweh!Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin,nang ako'y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin!

22. Ako ay natakot, labis na nangamba,sa pag-aakalang ako'y itinakwil na.Ngunit dininig mo ang aking dalangin,nang ang iyong tulong ay aking hingin.