1. Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan;huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan.Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran,iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan.
2. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din!Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan;matibay na kuta para sa aking kaligtasan.
3. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang;ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan.
4. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong;laban sa panganib, sa iyo manganganlong.
5. Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.