Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 30:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Anong halaga pa kung ako'y mamamatay?Anong pakinabang kung malibing sa hukay?Makakapagpuri ba ang mga walang buhay?Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan?

10. Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan,O Yahweh, ako po sana'y tulungan!”

11. Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan!Pagluluksa ko ay iyong inalis,kaligayahan ang iyong ipinalit.

12. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik,O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.