Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 30:2-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing,at ako nama'y iyong pinagaling.

3. Hinango mo ako mula sa libingan,at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.

4. Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan,ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan,pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

5. Ang kanyang galit, ito'y panandalian,ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan.Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak,pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

6. Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag,“Kailanma'y hindi ako matitinag.”

7. Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan,tulad sa isang muog sa kabundukan.Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan.

8. Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan,nagsumamo na ako ay tulungan: