Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 30:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas,mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.

2. Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing,at ako nama'y iyong pinagaling.

3. Hinango mo ako mula sa libingan,at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.