Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 27:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

6. Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.

7. Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan,sagutin mo ako at iyong kahabagan.

8. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,”sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.”

9. Huwag ka sanang magagalit sa akin;ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin.Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan,huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan!

10. Itakwil man ako ng aking ama at ina,si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.