Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 26:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay,ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay—

10. mga taong walang magawâ kundi kasamaan,at palaging naghihintay na sila ay suhulan.

11. Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama,kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa.

12. Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan;pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan!