Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 25:17-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Pagaanin mo ang aking mga pasanin,mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.

18. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin,at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.

19. Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway,at labis nila akong kinamumuhian!

20. Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay,huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan,pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.

21. Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan,sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.

22. Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel,sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!