Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 25:10-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.

11. Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin,ang marami kong sala'y iyong patawarin.

12. Ang taong kay Yahweh ay gumagalang,matututo ng landas na dapat niyang lakaran.

13. Ang buhay nila'y palaging sasagana,mga anak nila'y magmamana sa lupa.

14. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan,ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.

15. Si Yahweh lang ang laging inaasahan,na magliligtas sa akin sa kapahamakan.

16. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan,pagkat nangungulila at nanlulupaypay.

17. Pagaanin mo ang aking mga pasanin,mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.

18. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin,at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.