Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 25:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot;

2. sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos.Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan,at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!

3. Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan,at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian.

4. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban,at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.

5. Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan,sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.

6. Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas,na ipinakita mo na noong panahong lumipas.