Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 24:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos,silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah)

7. Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan,buksan ninyo pati mga lumang pintuan,at ang dakilang hari'y papasok at daraan.

8. Sino ba itong dakilang hari?Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan,si Yahweh, matagumpay sa labanan.

9. Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan,buksan ninyo pati mga lumang pintuan,at ang dakilang hari'y papasok at daraan.

10. Sino ba itong dakilang hari?Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)