Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 22:4-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo,sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo.

5. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala,nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya.

6. Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao,hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino!

7. Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin,inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling.

8. Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito.Kung talagang mahal siya nito,darating ang kanyang saklolo!”

9. Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay,magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan.

10. Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa,mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.

11. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan,pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.