Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 22:21-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Sa bibig ng mga leon ako'y iyong hanguin,sa sungay ng mga toro ako ay iyong sagipin.O Yahweh, panalangin ko sana'y dinggin.

22. Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan,sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.

23. Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin!Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain,bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!

24. Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak,hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap;sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.

25. Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan,sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang,ang panata kong handog ay doon ko iaalay.

26. Ang naghihikahos ay sasagana sa pagkain,mga lumalapit kay Yahweh, siya'y pupurihin.Maging sagana nawa sila at laging pagpalain!

27. Mga bansa sa lupa'y kay Yahweh magsisibaling,lahat ng mga lahi'y maaalala siya't sasambahin.

28. Kay Yahweh nauukol ang pamamahala,naghahari siya sa lahat ng mga bansa.

29. Magsisiluhod lahat ang palalo't mayayabang,yuyuko sa harap niya, mga taong hahatulan.

30. Mga susunod na salinlahi'y maglilingkod sa kanya,ang tungkol sa Panginoon ay ipahahayag nila.

31. Maging ang mga di pa isinisilang ay babalitaan,“Iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan.”