Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 22:1-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan?

2. Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos,di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot.

3. Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan,at sa Israel ikaw ay pinapupurihan.

4. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo,sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo.

5. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala,nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya.

6. Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao,hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino!

7. Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin,inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling.

8. Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito.Kung talagang mahal siya nito,darating ang kanyang saklolo!”

9. Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay,magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan.

10. Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa,mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.

11. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan,pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.

12. Akala mo'y mga toro, ang nakapaligid na kalaban,mababangis na hayop na galing pa sa Bashan.

13. Bibig nila'y nakabuka, parang mga leong gutom,umuungal at sa aki'y nakahandang lumamon.