Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 21:4-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay,ng mahabang buhay, na magpakailanman.

5. Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan,dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay.

6. Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman,ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan.

7. Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala,dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala.

8. Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway,bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam.

9. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin,sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin.

10. Walang matitira sa kanilang lahi,sapagkat sila'y lilipulin ng hari.

11. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya,walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila.

12. Sila'y kanyang papanain,sila'y uurong at patatakbuhin.

13. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan!Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.