Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 21:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Iyong ibinigay ang kanyang inaasam,ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah)

3. Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan,dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay.

4. Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay,ng mahabang buhay, na magpakailanman.

5. Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan,dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay.

6. Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman,ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan.

7. Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala,dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala.