Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 20:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa!At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana.

2. Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan,at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan.

3. Ang handog mo nawa ay kanyang tanggapin,at pahalagahan niya ang lahat nang iyong haing susunugin. (Selah)

4. Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin,at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.