Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 2:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala?

2. Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban,hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

3. Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos;dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”

4. Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang,lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.

5. Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan;sa tindi ng poot, sila'y kanyang sinabihan,

6. “Doon sa Zion, sa bundok na banal,ang haring pinili ko'y aking itinalaga.”