Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 2:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala?

2. Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban,hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:

3. Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos;dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”

4. Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang,lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.