Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 19:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

2. Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

3. Wala silang tinig o salitang ginagamit,wala rin silang tunog na ating naririnig;

4. ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,

5. tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan,tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.

6. Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,walang nakapagtatago sa init nitong taglay.

7. Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,nagbibigay ng talino sa payak na isipan.