Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 18:9-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Nahawi ang langit at siya'y bumabâ,makapal na ulap ang tuntungan niya.

10. Sa isang kerubin siya ay sumakay;sa papawirin mabilis na naglakbay.

11. Ang kadilima'y ginawa niyang takip,maitim na ulap na puno ng tubig.

12. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya,at mula sa ulap, bumuhos kaagadang maraming butil ng yelo at baga.

13. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit,tinig ng Kataas-taasan, agad narinig.

14. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa;nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas.

15. Dahil sa galit mo, O Yahweh,sa ilong mo galing ang bugso ng hangin;kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad,mga pundasyon ng lupa ay nahayag.

16. Mula sa kalangitan, itong Panginoon,sa malalim na tubig, ako'y iniahon.

17. Iniligtas ako sa kapangyarihanng mga kaaway na di ko kayang labanan;

18. Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan,ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang.

19. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan,ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan!