Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 18:44-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

44. Sa bawat utos ko, sila'y sumusunod,maging mga dayuhan, sa aki'y yumuyukod.

45. Nawawalan sila ng lakas ng loob,nanginginig papalabas sa kanilang muog.

46. Buháy si Yahweh, Diyos ko't Tagapagligtas,matibay kong muog, purihin ng lahat!Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag!

47. Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway,mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan;

48. at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban.Laban sa mararahas, ako'y pinagtatagumpay,sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay.

49. Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin,ang karangalan mo'y aking aawitin,ang iyong pangalan, aking sasambahin.

50. Dakilang tagumpay ibinibigay ng Diyos sa kanyang hari;tapat na pag-ibig ipinadarama niya sa kanyang pinili,kay David at sa lahat ng kanyang salinlahi.