Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 18:39-49 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

39. Pinapalakas mo ako para sa labanan,at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.

40. Mga kaaway ko'y pinapaatras mo,mga napopoot sa akin ay pinupuksa ko.

41. Humihingi sila ng saklolo ngunit walang tumutulong,tumatawag rin kay Yahweh ngunit hindi siya tumutugon.

42. Dinurog ko sila, hanggang sa matuladsa pinong alikabok na ipinapadpad;aking itinapon, niyapak-yapakan kagaya ng putik sa mga lansangan.

43. Sa mapanghimagsik na bayan ako'y iniligtas mo,sa maraming bansa'y ginawa mo akong pangulo.Ang aking nasasakupan ngayo'y marami na,kahit na nga sila ay hindi ko kilala.

44. Sa bawat utos ko, sila'y sumusunod,maging mga dayuhan, sa aki'y yumuyukod.

45. Nawawalan sila ng lakas ng loob,nanginginig papalabas sa kanilang muog.

46. Buháy si Yahweh, Diyos ko't Tagapagligtas,matibay kong muog, purihin ng lahat!Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag!

47. Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway,mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan;

48. at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban.Laban sa mararahas, ako'y pinagtatagumpay,sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay.

49. Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin,ang karangalan mo'y aking aawitin,ang iyong pangalan, aking sasambahin.