Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 18:23-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan,paggawa ng masama ay aking iniwasan.

24. Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya,sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala.

25. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo,at napakabuti mo sa mabubuting tao.

26. Ikaw ay mabait sa taong matuwid,ngunit sa masama, ikaw ay malupit.

27. Ang mapagpakumbabá ay inililigtas mo,ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo.

28. Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw;inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman.

29. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway,upang tanggulan nito ay aking maagaw.

30. Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa,at maaasahan ang kanyang salita!Siya ay kalasag ng mga umaasa,at ng naghahanap ng kanyang kalinga.

31. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay;tanging Diyos lamang ang batong tanggulan.

32. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas,sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.

33. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang,inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.

34. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma,upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana.

35. Iniingatan mo ako at inililigtas;sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag,sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag.

36. Inalalayan mo sa bawat paghakbang,ang mga paa ko'y ni hindi nadulas.

37. Mga kaaway ko'y aking hinahabol,di ako tumitigil hanggang di sila nalilipol.

38. Di sila makabangon kapag ako'y sumalakay;sa paanan ko'y bagsak sila at talunan.

39. Pinapalakas mo ako para sa labanan,at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.