Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 18:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, ika'y aking minamahal,ikaw ang aking kalakasan!

2. Si Yahweh ang aking batong tanggulan,ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan,tagapag-ingat ko at aking sanggalang.

3. Kay Yahweh ako'y tumatawag,sa aking mga kaaway ako'y inililigtas.Karapat-dapat purihin si Yahweh!

4. Ginapos ako ng tali ng kamatayan;tinabunan ako ng alon ng kapahamakan.

5. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan,nakaumang sa akin ang bitag ng libingan.

6. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag;sa aking paghihirap, humingi ng habag.Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig,pinakinggan niya ang aking paghibik.

7. Ang buong lupa ay nauga at nayanig,pundasyon ng mga bundok ay nanginig,sapagkat ang Diyos ay galit na galit!