Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 17:9-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. mula sa kuko ng masasama ako'y iyong iligtas.Napapaligiran ako ng malulupit na kaaway,

10. mayayabang magsalita, suwail at matatapang;

11. saanman ako magpunta'y lagi akong sinusundan,naghihintay ng sandali na ako ay maibuwal.

12. Para silang mga leon, na sa aki'y nag-aabang,mga batang leon na nakahandang sumagpang.

13. Lumapit ka, O Yahweh, mga kaaway ko'y hadlangan,sa pamamagitan ng tabak, ako'y ipaglaban!

14. Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay.Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan,pati mga anak nila ay labis mong pahirapanat kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!

15. Dahil ako'y matuwid, ang mukha mo'y makikita;at sa aking paggising, sa piling mo'y liligaya.