Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 17:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Para silang mga leon, na sa aki'y nag-aabang,mga batang leon na nakahandang sumagpang.

13. Lumapit ka, O Yahweh, mga kaaway ko'y hadlangan,sa pamamagitan ng tabak, ako'y ipaglaban!

14. Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay.Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan,pati mga anak nila ay labis mong pahirapanat kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!

15. Dahil ako'y matuwid, ang mukha mo'y makikita;at sa aking paggising, sa piling mo'y liligaya.