Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 17:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pakinggan mo, Yahweh, ang sigaw ng katarungan,dinggin mo ako sa aking kahilingan;dalangin ko sana'y iyong pakinggan, sapagkat labi ko nama'y hindi nanlilinlang.

2. Hahatol ka para sa aking panig,pagkat alam mo kung ano ang matuwid.

3. Kaibuturan ng puso ko ay iyong nababatid,kahit sa gabi'y ikaw sa aki'y nagmamasid.Siniyasat mo ako at napatunayang matuwid,walang kasamaan maging sa aking bibig.