Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 16:4-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunod-sunod,sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama;at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba,hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.

5. Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay,lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay,kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay.

6. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga,napakaganda ng iyong pamana!

7. Pinupuri ko si Yahweh na sa aki'y pumapatnubay,at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay.

8. Alam kong kasama ko siya sa tuwina;hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.

9. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak,hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.

10. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak,sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.

11. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay,sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan;ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.