Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 149:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.

6. Papuri sa ating Diyos, ipahayag nang malakas,hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas,

7. upang bawat mga bansang nagmalabis ay gantihan,at bigyan ang mamamayan ng parusang kailangan.

8. Mga hari't maharlika ay kanilang bibihagin,sa tanikalang bakal, silang lahat ay gagapusin,

9. upang sila ay hatulan sang-ayon sa itinakda.Ito ang siyang karangalan ng kanyang pinagpala.Purihin si Yahweh!