1. Purihin si Yahweh!O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit,purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.
2. Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.
3. Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
4. Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang,sa mga mapagpakumbabá'y tagumpay ang ibibigay.