Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 148:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol.Mga kabundukan, mataas na burol,malawak na gubat, mabubungang kahoy;

10. hayop na maamo't mailap na naroon,maging hayop na gumagapang at mga ibon.

11. Pupurihin siya ng lahat ng tao,hari at prinsipe, lahat ng pangulo;

12. babae't lalaki, mga kabataan,matatandang tao't kaliit-liitan.

13. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat,ang kanyang pangala'y pinakamataas;sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.

14. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa,kaya pinupuri ng piniling madla,ang bayang Israel, mahal niyang lubha!Purihin si Yahweh!