7. Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan,maging dambuhala nitong karagatan.
8. Ulan na may yelo, kidlat pati ulap,malakas na hangin, sumunod na lahat!
9. Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol.Mga kabundukan, mataas na burol,malawak na gubat, mabubungang kahoy;
10. hayop na maamo't mailap na naroon,maging hayop na gumagapang at mga ibon.
11. Pupurihin siya ng lahat ng tao,hari at prinsipe, lahat ng pangulo;
12. babae't lalaki, mga kabataan,matatandang tao't kaliit-liitan.