Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 147:8-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag,itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan,sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay.

9. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay,pinapakain nga niya nagugutomna inakay.

10. Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas,kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak.

11. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis,sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig.

12. Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem!Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion!

13. Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

14. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan,sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan.

15. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad,dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

16. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak,para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag.