Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 147:16-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak,para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag.

17. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato,lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino.

18. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos,umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos.

19. Kay Jacob niya ibinigay ang lahat ng tagubilin,ang tuntuni't mga aral, ibinigay sa Israel.

20. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.Purihin si Yahweh!