Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 147:12-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem!Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion!

13. Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

14. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan,sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan.

15. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad,dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

16. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak,para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag.

17. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato,lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino.

18. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos,umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos.

19. Kay Jacob niya ibinigay ang lahat ng tagubilin,ang tuntuni't mga aral, ibinigay sa Israel.

20. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.Purihin si Yahweh!