12. Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem!Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion!
13. Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.
14. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan,sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan.
15. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad,dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.
16. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak,para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag.
17. Mga yelong buo-buo, sinlaki ng munting bato,lumalagpak, na ang lamig di matiis kahit sino.
18. Ang yelo ay natutunaw, sa isa lang niyang utos,umiihip ang hangin at ang tubig ay umaagos.