Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 147:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos,ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.

2. Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik,sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.

3. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

4. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin,isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas,taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.

6. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas,ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak.

7. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin,purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.

8. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag,itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan,sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay.

9. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay,pinapakain nga niya nagugutomna inakay.