Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 145:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi;sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

10. Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang;lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan.

11. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian,at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan.

12. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao,mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.

13. Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan,hindi magbabago.Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat,ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.

14. Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin.