4. Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
5. Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita,at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
6. Ang mga gawa mong makapangyariha'y ipamamalita;sa lahat ng tao'y aking sasabihing ikaw ay dakila.
7. Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.