Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 144:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,at iniligtas mo si David mong lingkod.

11. Iligtas mo ako sa mga malupit kong kaaway;sa kapangyarihan ng mga banyaga ay ipagsanggalang;sila'y sinungaling, di maaasahan,kahit may pangako at mga sumpaan.

12. Nawa ang ating mga kabataanlumaking matatag tulad ng halaman.Ang kadalagaha'y magandang disenyo,kahit saang sulok ng isang palasyo.

13. At nawa'y mapuno, mga kamalig natinng lahat ng uri ng mga pagkain;at ang mga tupa'y magpalaanakin,sampu-sampung libo, ito'y paramihin.