1. Purihin si Yahweh na aking kanlungan,sa pakikibaka, ako ay sinanay;inihanda ako, upang makilaban.
2. Matibay kong muog at Tagapagligtas,at aking tahanang hindi matitinag;Tagapagligtas kong pinapanaligan,nilulupig niya sakop kong mga bayan.
3. O Yahweh, ano nga ba naman ang tao?At pinagtutuunan mo siya ng pansin?
4. Katulad ay ulap na tangay ng hangin,napaparam siya na tulad ng lilim.