Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 144:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh na aking kanlungan,sa pakikibaka, ako ay sinanay;inihanda ako, upang makilaban.

2. Matibay kong muog at Tagapagligtas,at aking tahanang hindi matitinag;Tagapagligtas kong pinapanaligan,nilulupig niya sakop kong mga bayan.

3. O Yahweh, ano nga ba naman ang tao?At pinagtutuunan mo siya ng pansin?

4. Katulad ay ulap na tangay ng hangin,napaparam siya na tulad ng lilim.

5. Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin;mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin.

6. Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin;sa pagtakas nila ay iyong tudlain!

7. Abutin mo ako at iyong itaas,sa kalalimang tubig ako ay iligtas;ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas,

8. Ubod sinungaling na walang katulad,kahit ang pangako'y pandarayang lahat.

9. O Diyos, may awitin akong bagung-bago,alpa'y tutugtugin at aawit ako.

10. Tagumpay ng hari ay iyong kaloob,at iniligtas mo si David mong lingkod.

11. Iligtas mo ako sa mga malupit kong kaaway;sa kapangyarihan ng mga banyaga ay ipagsanggalang;sila'y sinungaling, di maaasahan,kahit may pangako at mga sumpaan.