Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 143:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Itong iyong lingkod, huwag mo nang subukin,batid mo nang lahat, kami ay salarin.

3. Ako ay tinugis ng aking kaaway,lubos na nilupig ng aking kalaban;sa dilim na dako, ako ay nakulong,tulad ko'y patay nang mahabang panahon.

4. Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.

5. Araw na lumipas, aking nagunita,at naalala ang iyong ginawa,sa iyong kabutihan, ako ay namangha!

6. Ako'y dumalangin na taas ang kamay,parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)

7. Nawala nang lahat ang aking pag-asa,kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!Kung ika'y magkubli, baka ang hantunganako ay ituring na malamig na bangkay,at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.