3. O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan,ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.
4. Huwag mong babayaang ako ay matukso,sa gawang masama ay magumon ako;ako ay ilayo, iiwas sa gulo,sa handaan nila'y nang di makasalo.
5. Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako,ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis;pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.
6. Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan,maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan.