Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 141:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalanginsa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.

2. Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso;itong pagtaas ng mga kamay ko.

3. O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan,ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

4. Huwag mong babayaang ako ay matukso,sa gawang masama ay magumon ako;ako ay ilayo, iiwas sa gulo,sa handaan nila'y nang di makasalo.

5. Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako,ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis;pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.