Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 140:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.”Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog.

7. Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas,nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat.

8. Taong masasama, sa kanilang hangaday iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah)

9. Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin,pagdusahin sila sa banta sa akin,

10. Bagsakan mo sila ng apoy na baga,itapon sa hukay nang di makaalsa.

11. At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa;ang marahas nama'y bayaang mapuksa.

12. Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang,at pananatilihin ang katarungan.

13. Ang mga matuwid magpupuring tunay,ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!