Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 139:7-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas?Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas?

8. Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka,sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;

9. kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran;

10. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan,matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

11. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;

12. maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning,madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.

13. Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

14. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

15. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin;lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.