11. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;
12. maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning,madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
13. Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
14. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
15. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin;lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.
16. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang,batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan,matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.